--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang lalaki na high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug buy-bust operation sa Alibagu, Lunsod ng Ilagan.  

Ang nadakip na  number 1 sa target list ng PDEA Isabela ay si Roderick Tagao, 32 anyos at residente ng California Homes Subdivision sa barangay Alibagu.

Ang drug buy-bust operation ay isinagawa ng City of Ilagan Police Station, Regional at Provincial Drug Enforcement Unit, PDEA region 2 at Gamu Police Station.

Nakuha sa pag-iingat ng drug personality ng nagpanggap na poseur/buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu at  1,000  pesos, 4,000 na boodle money, isang sling bag at 10 sachet ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Ilang buwan  na minanmanan ang suspek na  patuloy sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Itinanggi ni Tagao na sa kanya ang mga nasamsam na droga at iginiit na nagtungo siya sa lugar para mangalap ng mga ibebentang isda.

Gayunman, inamin niya na siya ay  gumagamit ng illegal na droga.

Sasampahan si Tagao ng kasong paglabag sa republic Act (RA) 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.