--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng Department of Soial Welfare and Development (DSWD) region 2 na hindi maaaring hatiin ang 5,500 na  tulong pananalapi sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, information officer ng DSWD region 2 sinabi niya na batay sa joint memorandum circular no.1 na nilagdaan ng ilang ahensiya ng pamahalaan, nakasaad na dapat maibigay ang  5,500 sa mga kuwalipikadong pamilya.

Aniya ang Department of Finance (DOF) ang nagtakda ng target families na ibinatay sa talaan noong 2019 ng DSWD at Department of Labor and Employment (DOLE) ng  mga maralitang pamilya.

Muling nagpaalala si Ginoong Trinidad na  tanging mga poorest of the poor  ang mabibigyan ng tulong pananalapi habang ang hindi mapapabilang sa  programa ay maaaring saluhin ng mga LGU sa pamamagitan ng sarili nilang programa at serbisyo.

--Ads--

Maliban sa DSWD, ang DOLE at Department of Agriculture (DA) ay nagbibigay ng cash assistance sa mga manggagawa at magsasaka.

Ang tinig ni Mr. Chester Trinidad.