--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi kautusan kundi advise lamang ang pag-defer sa pagbibigay ng triple pay ngayong Huwebes Santo at Araw ng Kagitingan na regular holiday sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na kung kaya ng employer ay ibibigay ang triple pay ngunit kung hindi kayang ibigay dahil sa epekto ng Coronavirus Disease (COVID) 19 ay puwedeng i-antala ito at ibibigay sa susunod na buwan.

Ayon kay Atty. Bello, maraming naghihirap ngayon na employer lalo na ang mga nasa Micro Small and Medium Enterprises kaya puwedeng iantala muna ang pagbibigay ng triple pay ngayong April 9 at double pay bukas April 10, Good Friday na regular holiday.

Sinabi pa ni Kalihim Bello na ang mga nagsara o natigil ang operasyon sa panahon ng Enhanced Community Quarantine ay exempted sa pagbibigay ng nasabing mga holiday pay.

--Ads--
Ang tinig ni DOLE Secretary Silvestre Bello III