--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na isinailalim sa emergency cesarian section ang isang buntis na suspect case sa Coronavirus Disease (COVID-19) matapos makaranas ng pneumonia.

Ang 37 anyos na buntis ay ini-refer ng Cauayan District Hospital (CDH) sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City dahil nakakaranas ng pneumonia at pre-eclampsia o mataas na blood pressure kaya agad na isinailalim sa cesarian section at maayos ang kanilang kalagayan ng kanyang baby girl.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CMVC na nagpasya ang mga doktor ng ospital na i-classify ang buntis na suspect case kaya kinunan ng throat swab at dinala kagabi sa Baguio City General Hospital ang specimen at posibleng malaman ngayong araw ang resulta.

Umaasa si Dr. Baggao na negative ang resulta ng swab test ng buntis ngunit sakaling positive ay agad na isasagawa ang contact tracing.

--Ads--

Walang travel history sa Metro Manila ang buntis ngunit may mga nakasalamuha na iba’t ibang tao sa kanyang pre-natal check up sa ilang klinika.

Ang tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggao