--Ads--
CAUAYAN CITY – Idinonate ng isang Punong Barangay sa lunsod ng Ilagan ang kanyang honorarium para sa relief distribution sa kanyang nasasakupan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Heherson “Sonny” Rivero ng Brgy. Allinguigan 2nd, Lunsod ng Ilagan, sinabi niya na dahil apektado ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19) ay naisipan niya at nang kanyang pamilya na ibahagi ang kanyang honorarium bilang karagdagang tulong sa kanilang mga kabarangay na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi niya na sa tulong ng mga kapwa niya opisyal ng barangay at kanyang pamilya ay bumili sila ng bigas na ibinahagi sa mahigit isang libong family heads sa kanyang barangay.











