--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba na ang mga nagpositibo at namatay sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansang Spain.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Ghine Bendado, OFW sa Madrid, Spain na bagamat bumaba na ang bilang ng mga nasawi ay punung-puno pa rin ang mga ospital.

Umabot na sa mahigit 21,000 ang namatay at sa mahigit 200,000 na nagpositibo ay mahigit 82,000 na ang gumaling sa nasabing sakit.

--Ads--

Ayon kay Gng. Bendado, noong nakaraang linggo ay umaabot sa 7 na Pilipino ang namatay dahil sa COVID-19 sa Madrid habang may  ilang Pinoy ang nagpapagaling pa sa ospital.

Samantala, unti-unti nang aalisin ng pamahalaan ang lockdown sa Spain.

Simula sa April 27, 2020 ay pahihintulutan na ang mga batang lumabas kahit isang oras lang habang ang mga construction workers ay nagsimula nang magtrabaho.

Sa May 9, 2020 ay tuluyan nang aalisin ang lockdown sa Spain na number 1 sa pinakamaraming bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Uropa habang ikalawa sa buong mundo.

Ag tinig ng OFW sa Spai na si Mrs. Ghine Bendado