--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang ipinapatupad na lockdown sa Tanzania para labanan ang Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Rufil Clamano, Restaurant owner sa Dar Es Salaam, Tanzania na dahil dito ay kanya kanya nang diskarte ang mga Pilipino sa nasabing bansa upang makaiwas sa virus.

Nauna rito ay nagpahayag si Pangulong John Magufuli ng Tanzania na hindi ilolockdown ang kanilang bansa.

Umaabot na anya sa 184 na tao ang naitalang positibo sa COVID-19 sa nasabing bansa ngunit walang tamang talaan na inilalabas ang pamahalaan ng Tanzania sa eksaktong bilang ng mga kinakapitan at namamatay dahil sa COVID-19.

--Ads--

Sa kabila anya na walang lockdown na ipinapatupad sa nasabing bansa ay ang mga tao na mismo ang naglockdown sa kanilang mga sarili.

Marami na rin ang mga nagsarang business establishment sa kabila na walang lockdown at walang protocols na ipinapatupad ang pamahalaan para labanan ang COVID-19.

Tinig ni Ginang Rufil Clamano.