--Ads--

CAUAYAN CITYIsang 4Ps beneficiary at solo parent ang nagsauli ng natanggap na kapakinabangan mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa Treasurer’s Office sa lunsod ng Santiago.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ibinalik ni Elino Bermudez ng Buenavista, Santiago City, isang barangay Tanod, 4Ps beneficiary ang natanggap na kapakinabangan mula sa SAP.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Leofin Pascual ng Buenavista, Santiago City, muli siyang nagpaalala sa kanyang mga nasasakupan na doble ang natanggap na mga kapakinabangan.

Kasabay nito ang paghikayat na ibalik ang mga natanggap para mapakinabangan ng iba pang mga nangangailangan.

--Ads--

Nilinaw ng punong barangay na maaring nagkaroon ng kalituhan sa pagkakatala ng pangalan ng barangay tanod

Tinig ni Punong Barangay Leofin Pascual.

Samantala, inihayag naman ni Punong Barangay Maximiniano Obena ng Luna, Santiago City na isang solo parent sa kanilang barangay ang nagsauli rin sa Treasurer’s Office ng natanggap mula sa SAP dahil sa posibleng double entry nito sa talaan.

Mayroon na anyang kinakasama ang nasabing solo parent na mula sa lalawigan ng Quirino na nakapag-apply at napabilang din sa talaan.

Solo parent din ang inilagay na status na lumusot din sa CSWD.

Tinig ni Punong Barangay Maximiano Obena.