--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling) ang tatlong magsasaka na naaktuhang nagsusugal sa Lapogan, Tumauini, Isabela.

Ang mga inaresto ay sina Arnel Manalo, 29-anyos, may-asawa, isang 63-anyos na babae at Valentino Allapitan, 45-anyos, binata, pawang Social Amelioration Program beneficiaries at residente ng nasabing lugar.

Nakatanggap ang mga kasapi ng Tumauini Police Station ng impormasyon mula sa mga opisyal ng barangay kaugnay sa pagsusugal ng tatlo na kaagad nilang tinugunan.

Naaktuhan ang mga pinaghihinalaan na nagsusugal at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang set ng baraha at bet money na  mahigit dalawang daang piso.

--Ads--

Dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlong pinaghihinalaan at inihahanda na ang kaso laban sa kanila.