--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng DA Region 2 na tapusin na ngayong buwan ng Abril ang pamamahagi ng ayuda mula sa kanilang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension ng DA Region 2, sinabi niya na puntirya nila itong tapusin ngayong buwan ng Abril para masimulan na rin nila ang pamamahagi ng ayuda mula sa Financial Subsidy for Rice Farmers.

Aniya, nagkaroon ng programang RFFA dahil sa pagbaba ng presyo ng palay bunsod ng Rice Tarrification law.

Nagsimula silang mamahagi sa unang batch noong Disyembre, 2019 hanggang Pebrero ngayong taon at nabigyan ang 17,232 na magsasaka.

--Ads--

Bawat magsasaka ay nakatanggap ng P5,000 at sa kabuuan ay nakapagbigay sila ng P86,160,000.

Sa ngayon, sa apat na probinsya ng lambak ng Cagayan ay 41,149 na magsasaka sa Cagayan ang mabibigyan, sa Isabela ay 39,224, Nueva Vizcaya ay 14,726 at Quirino ay 10692.

Mayroon aniyang kabuuang maibibigay na pera na P483,955,000.

Ayon kay Dr. Busania, ang mga kuwalipikado sa programang ito ay ang mga magsasaka na may sinasakang kalahati hanggang dalawang ektarya.

Sa ngayon aniya ay natatanggap ng mga magsasaka ang kanilang ayuda sa pamamagitan ng isang remittance center.

Tinig ni Dr. Roberto Busania.