--Ads--

CAUAYAN CITY– Walang lockdown na ipinapatupad sa Taiwan subalit mahigpit ang pagpapatupad ng mga protocol upang maiwasan ang COVID 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Jeffrel Almerol, Machine operator sa taoyuan, Taiwan na normal lamang ang operasyon ng mga business sa nasabing bansa.

Sinabi pa ni Almerol na lagi silang kinukunan ng body temperature sa kanilang pagpasok sa trabaho at maging sa kanilang pag-uwi.

Maging ang mga sumasakay sa public transportation tulad ng mga bus at train ay kinukunan din sila ng body temperature at mahigit na pinagsusuot ng face mask ang mga mamamayan.

--Ads--

Kapag mayroon anyang nahuling mayroong symptoms ng COVID 19 ay pinagmumulta ng pamahalaan.

Tinig ni Jeffrel Almerol

Kapag anya mga dayuhang manggagawa ang nakitaan ng sintomas ng COVID ay huhuliin, pagmumultahin at ipapadeport sa mga pinanggalingang bansa.

Sa taichung, Taiwan anya y maraming nagsarang kompanya at maraming OFW ang naapektuhan.

Sa ngayon anya ay aabot sa mahigit apatnaraan ang naitalang COVID positive sa Taiwan at bumababa ang kanilang naitatalang confirmed case