--Ads--

CAUAYAN CITY – Simula sa May 3 ay unti-unti ng tatanggalin ang lockdown sa Portugal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lani Cuyus Yu, presidente ng Potuguese Filipino Community, sinabi niya na ipinatupad ang lockdown sa nasabing bansa noong March 16 at kasunod nito ay idinekla ang state of emergency.

Gayunman, huling linggo na aniya nila ngayon na naka-quarantine dahil sa susunod na linggo ay babalik na rin sila sa normal.

Maganda aniya ang paghawak ng pamahalaan ng Portugal sa krisis na ito at sinusunod din ng mga tao ang mga alituntunin ng kanilang pamahalaan kaya naman wala na rin silang nababalitaan na palalawigin pa ang quarantine.

--Ads--

Sa kabila naman aniya ng umiiral na quarantine ay patuloy pa rin ang mga pampublikong sasakyan sa pamamasada gaya na lamang ng bus at tren.

Ayon kay Yu, nasa 24,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa nasabing bansa habang mahigit 900 naman ang namatay at karamihan sa kanila ay matatanda.

Tinig ni Lani Cuyus Yu.

Samantala, sinabi pa ni Yu na wala namang masyadong problema sa mga kapwa niya Pilipino sa nasabing bansa dahil karamihan sa kanila ay Domestic Worker.

May tatlo lamang na nagpositibo pero nasa maayos ng kalagayan ngayon.

Tinutulungan aniya nila ang mga nawalan ng trabaho gayundin ang mga nagpositibo sa COVID-19.