CAUAYAN CITY– Naantig ang puso ng isang 84 anyos na senior citizen sa isang ginang na hindi napasama sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration program sa barangay Andarayan, Cauayan City.
Nauna rito ay dumulog sa Bombo Radyo Cauayan si Ginang Edilyn Dauag ng barangay Andarayan, Cauayan City na miyembro ay Unconditional Cash Transfer sanhi para hindi napasama sa benepisyaryo ng SAP sa kabila na siya ay nangangailangan.
Halos umiyak sa sama ng loob si Ginang Dauag dahil sa kabila na hirap siya sa buhay at may mga anak na binubuhay ay hindi napasama ang pangalan sa mga benefiaciary ng SAP.
Isang lola na residente ng Cabaruan, Cauayan City ang nakarinig sa kuwento ni Ginang Dauag ang nagpadala ng tulong.
Sa sulat na ipinadala sa Bombo Radyo Cauyan ng nasabing lola nakasaad na nais niyang matulungan si Ginang Dauag dahil naantig ang kanyang puso at para maibsan ang sakit na naramdaman kaya one fourth cavan ng bigas at isang libong pisong cash.
Labis labis ang pasasalamat ni Gng. Dauag sa ibinigay na bigas at pera ng lola na hindi na nagpabanggit pa ng pangalan.












