--Ads--

CAUAYAN CITY– Gumagamit ng drone at nagbabahay-bahay ang mga otoridad sa Malaysia upang mahigpit na mamonitor ang mga residente matapos na ideklarang COVID 19 free na ang nasabing bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mely Delizo, OFW sa Malaysia, sinabi niya na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown sa nasabing bansa na naging susi sa unti-unting pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID 19.

Aniya, mahigpit ang mga otoridad sa Malaysia sa pagbibigay ng permit at pagpapatupad ng curfew hour.

--Ads--

Dahil dito ay unti-unting bumabalik sa normal na operasyon ng mga malalaking industriya ng Malaysia pangunahin na sa electronics at iba pang negosyo.

Tinig ni Mely Delizo

Samantala pinalawig hanggang May 28, 2020 ang lockdown sa nasabing bansa upang matiyak na walang mangangahas na magsagawa ng mass gathering para maiwasan ang paglaganap ng Covid 19.