--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi puwedeng sisihin ang National Telecommunications Commission (NTC) sa inilabas nitong cease and desist order sa ABS-CBN.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, sinabi niya na hindi pwedeng sisihin ang NTC dahil sa katunayan ang kongreso rin ang may kasalanan.

Aniya, kung sana ginawa agad ng Kongreso ang kanilang trabaho ay hindi na kailangan pang maglabas ng cease and desist order ang NTC laban sa nasabing TV Network.

Sinusunod lamang aniya ng NTC ang batas kaya hindi sila puwedeng sisihin.

--Ads--

Panawagan ngayon ni Atty. Cayosa sa Kongreso na dapat gawin nila ang kanilang trabaho sa takdang panahon at huwag magturuan.

Ayon pa kay Atty. Cayosa, maari pa ring ituloy ng ABS-CBN ang kanilang broadcast sa social media dahil hindi na ito nangangailangan pa ng prangkisa.

Tinig ni Atty. Domingo Egon Cayosa.