--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang paglulunsad ng All Women Mobile Force Company sa lunsod ng Santiago na kauna unahan sa buong bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Pmaj. Abegail Jane Baustista, Chief ng All-Women Mobile Force Company na nakatalaga sa lunsod ng Santiago ang kanilang pasasalamat kay PBrig. Gen. Angelito Casimiro, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 2 sa pagkakabuo ng kanilang hanay na nangangahulugang tiwala sila sa kakayahan ng mga kababaihang pulis.

Naniniwala si Pmaj. Bautista na may kakayahan ang mga kababaihan na gawin ang trabaho ng mga kalalakihan.

Sinabi ni Major Bautista na malaking hamon ang tungkulin na naiatang sa kanilang balikat at gagawin nila itong inspirasyon para magtrabaho ng husto at pangalagaan ang katahimikan sa lunsod ng Santiago.

--Ads--

Sinabi pa niya na ang mga kasapi ng All-Women Mobile Force Company na binubuo ng 169 na babaeng pulis ay sumailalim sa basic course habang ang iba ay galing sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa rehiyon dos.

Ang gusali ng All Women Mobile Force Company ay katabi lamang ng gusali ng Santiago City Police Office.

Tinig ni Pmaj. Abegail Jane Baustista.