--Ads--

CAUAYAN CITY – Pagkakasangkot noong 2016 sa kasong robbery with homicide ang isa sa mga anggulong sinisiyasat ng mga pulis sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa pataas na bahagi ng daan malapit sa isang tulay sa  Lourdes, Angadanan, Isabela.

Ang   biktima ay si Rodel Valdez, magsasaka at residente  Bannawag,  Angadanan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCapt Francis Pattad, hepe ng Angadanan Police Station na nagtamo ng mga tama ng bala ng Caliber 45  sa dibdib at likod ng biktima.

Nakatakbo pa umano si Valdez dahil natagpuan ang kanyang bangkay, 100 meters ang layo mula sa kanyang minanehong motorsiklo.

--Ads--

Patuloy ang masusing pagsisiyasat ng Angadanan Police Station para matukoy ang salarin.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na galing sa bayan si Valdez kasama sina Nestor at Manuel Gauat na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Nakalayo na umano ang dalawa nang makarinig sila ng mga putok ng baril kaya binalikan nila si Valdez.

Sinabi nila na  wala silang nakitang tumakbo o dumaan nang balikan nila si Valdez.

Ayon kay PCapt Pattad, nasangkot si Valdez sa kaso ng robbery with homicide noong 2016.

Nadismis ang kaso laban sa kanya  ngunit may mga nakulong na kasamang sinampahan ng kaso.

Ang tinig ni PCapt. Francis Pattad