--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkaloob ang Department of Science and Technology (DOST) ng anim na swab booth sa tatlong Covid-19 center ng Department of Health (DOH) sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Angel Gorospe, science research specialist 2 ng DOST Isabela, sinabi niya layunin nito na makatulong sa mass testing.

Dinisenyo ang mga swab booth para mapangalagaan ang mga health workers dahil wala nang direct contact ang health worker at kukunan ng swab test.

--Ads--

Tanging gloves ang papalitan ng health worker kung kukuha ng swab test  sa susunod na pasyente.

Ang dalawang specimen collection booth ay ipinasakamay na sa Southern Isabela Medical Center (SIMC).

Dalawa ang ibinigay sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Isa sa Development Health Center ng DOH at  isa rin sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) sa Bayombong, Nueva Vizcaya.