--Ads--

CAUAYAN CITY– Magsasagawa 700,000 COVID test kada linggo sa Paris, France simula sa Lunes, May 11, 2020 kung saan aalisin ang lockdown sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mylene Gonzales, OFW sa Paris, France na sinumang magpopositibo sa test ay isasailalim sa isolation sa loob ng kani kanilang mga bahay o sa itinalagang lugar ng kanilang pamahalaan sa loob ng labing apat na araw.

Tinig ni Mylene Gonzales

Simula anya noong May 7, 2020 ay mayroong color indicator tulad ng green color na ang ibig sabihin ay less strict at kapag red color very strict na ang ibig sabihin ay marami ang infected sa nasabing lugar.