--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga otoridad ang maglive-in partner at isa pang babae matapos masamsaman ng halos 25 gramo ng hinihinalang iligal na Droga sa Dubinan West, Santiago City.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina Arnel Ruizan, 20-anyos, tubong Dagupan City, Pangasinan, Janica De Leon, 20-anyos, at Miner Dane Bolos, 20-anyos, dalaga, kapwa residente ng Rosario, Santiago City.

Sa pakikipagtulungan ng CDEU, SCPO, City Intelligence Branch, All Women Force Company, Presinto Dos at PDEA region 2 ay isinagawa ang drug buy-bust operation na nagbunga ng pagkadakip ni Ruizan matapos makipagtransaksyon sa isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer.

Nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang Shabu kapalit ang P5,000.

--Ads--

Naunang nahuli sina De leon at Bolos na naaktuhan pang gumagamit ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa tinutuluyan ng mga pinaghihinalaan ang dalawang piraso ng aluminum rolled foil at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nang kapkapan, nakuha pa sa pag-iingat ni Ruizan ang ginamit na buy-bust money at apat na sachet ng hinihinalang iligal na droga.

Inamin ng pinaghihinalaan na sa kanya ang mga nasamsam na iligal na droga at sa Bulacan umano galing ang mga ito.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ni Ruizan habang paglabag sa Section 15 ang isasampa laban kina De Leon at Bolos.