CAUAYAN CITY – Nakalabas na sa pagamutan ang nalawang Health Workers na mula sa Lunsod ng Santiago na una nang napaulat na tuluyan nang nagnegatibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa City Health Office ng Santiago, tuluyan nang nakalabas sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang dalawang Nurse matapos magnegatibo ang resulta ng pinakahuling pagsailalim nila sa SWAB Test.
Nagpositibo ang dalawang lalaking health worker sa sakit noong April 25 bilang sina PH7236, 28-anyos, at si PH7308, 27-anyos.
April 29 nang tuluyan nang nagnegatibo ang dalawa sa COVID-19 subalit patuloy pa ring inobserbahan kasunod ng pagsasailalim muli sa PCR SWAB Test.
Sa ngayon ay nakatakda pa ring sumailalim ang mga ito sa Strict Home Quarantine pagkatapos ng kanilang paglabas sa pagamutan.











