--Ads--
CAUAYAN CITY – Arestado ang tatlong kababaihan na benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) matapos na maaktuhang nagsusugal sa loob ng isang bahay sa San Fermin, Cauayan City.
Ayon sa PNP Cauayan, may nagtip sa kanila na may mga nagsusugal partikular na ang Tong its sa nasabing barangay.
Agad tinungo ng mga kasapi ng PNP Cauayan ang nasabing lugar at nadatnan ang tatlong babae na naglalaro ng tong its sa loob ng isang bahay.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o anti illegal gambling law ang tatlo na may multang aabot sa P1,000 hanggang P6,000.
--Ads--
Dinala ang mga ito sa himpilan ng PNP Cauayan para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.











