--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang most wanted person, provincial level na si Joshua Pallaya, 19-anyos, binata, helper at residente ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Isinilbi ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City Isabela laban sa pinaghihinalaan para sa kasong pagpatay na may parusang dalawampung taon hanggang apatnapung taong pagkakulong.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng pinaghihinalaan.

Magugunitang pinaslang ang biktimang si Edward Dalog kung saan itinapon sa ilalim ng balon na tinabunan pa ng mga bato at buhangin.

--Ads--

Isa si Joshua Pallaya sa mga pinaghihinalaan na matagal nang pinaghahanap ng pulisya.

Ipinasakamay na ng PNP Cauayan City ang pinaghihinalaan sa Bureau Of Jail Managament and Penology o BJMP Cauayan City.