CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station ang apat na tao kasama na ang dalawang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) matapos maaktuhang nagsusugal sa Lullutan, City Of Ilagan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police Station, naaresto sa aktong nagsusugal ang dalawang lalaking panadero na kapwa nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan, isa pang 53-anyos na kasamahang panadero at isang 40-anyos na lalaki.
Bago ang isinagawang pag-aresto sa mga pinaghihinalaan ay nakatanggap ang himpilan ng pulisya ng impormasyon mula sa isang concerned citizen sa pagsusugal ng mga pinaghihinalaan.
Nakuha mula sa pag-iingat ng apat na pinaghihinalaan ang isang set ng baraha, apat na monoblock chair, isang lamesa at bet money na mahigit P2,000.
Paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti Illegal Gambling Law) ang maaring kaharaping kaso ng apat na pinaghihinalaan.











