--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Naaresto ng mga otoridad ang isang High Value Individual (HVI) Regional Priority Target List sa isinagawang drug buy-bust operation sa  Rizaluna, Alicia, Isabela.

Ang suspek ay si Roel Jacinto, 35 anyos, truck helper at residente rin ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), isinagawa ang drug buy-bust operation ng mga otoridad na nagbunga ng pagkadakip ni Jacinto matapos bentahan ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu ang  isang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagpanggap na poseur/buyer.

--Ads--

Nang kapkapan ang suspek ay nasamsam pa sa kanyang pag-iingat ang 6 na pakete ng hinihinalang shabu, 4 na piraso ng buy-bust money at 1,000 pesos.

Dinala ang suspek  sa Alicia Police Station para sa pagsasampa sa kanya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.