--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng virtual graduation ngayong Mayo 2020 ang Cauayan City National High School main (CCNHS) para sa mga magtatapos na estudiyante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Primitivo Gorospe, principal ng CCNHS, sinabi niya na dahil sa dami ng mga magtatapos na estudiyante na aabot sa halos 1,000 ay napagpasyahan nilang isagawa ito sa pamamagitan na lang ng virtual graduation.

Bukod dito ay mula sa iba’t ibang barangay at bayan tulad ng Reina Mercedes, Naguillian, San Guillermo, at Angadanan, Isabela ang mga magtatapos na mag-aaral.

Sa ngayon ay inaayos na  ng mga IT Experts ng CCNHS kung paano isasagawa ang virtual graduation.

--Ads--

Mapapanod aniya sa social media at iba pang online platform ang  virtual graduation bago matapos ang Mayo  at maaaring balik-balikan ng mga graduates.

Matapos ang virtual graduation ay paghahandaan na ng  paaralan ang pamamahagi ng mga credentials ng mga nagtapos.

Ang tinig ni Principal Primitivo Gorospe ng CCNHS