--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot na lamang sa 7 suspect COVID 19 patient ang ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr, Glen Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC na pababa na nang pababa ang trending ng mga naitatalang suspect COVID patient na ginagamot sa nasabing ospital.

Sinabi ni Dr. Baggao na 12 araw nang wala silang naitatalang probable at confirm case ng COVID 19.

Anya ang pitung suspect patients ay mayroong mga travel history sa mga lugar na infected ng COVID 19 at pawang dumaranas ng mga sintomas tulad ng ubo, sipon, lagnat at nahirapang huminga.

--Ads--
Tinig ni Dr. Glen Matthew Baggao

Stable naman anya ang kalagayan ng nasabing mga pasyente.