--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahanap pa rin ng mga kasapi ng rescue 922 at Tactical Operations Group 2 ang isang lalaking hinihinalang nalunod.

Ang biktimang hinihinalang nalunod ay si Robin Angoluan 44 anyos, may-asawa, helper at residente ng purok 4, Mabantad, Cauayan City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nagtungo ang biktima sa Cagayan river para mangisda kasama ang kanyang kapatid na si Roy Angoluan, 47 anyos,may- asawa, isang ring helper at residente rin ng nasabing lugar.

Nang makarating sa ilog ang magkapatid ay napunta umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog kung saan napansin ni Roy Angoluan na nawawala na ang kanyang kapatid.

--Ads--

Kaagad niya itong hinanap ngunit hindi na niya ito nakita kaya nagpatulong na lamang siya sa mga opisyal ng kanilang barangay.

Ang insidente ay iniulat ng Punong Barangay sa Cauayan City Police Station para magpatulong sa paghahanap sa nasabing biktima.

Ang biktima ay may tangkad na 5’7″-5’8″, payat ang pangangatawan,kayumanggi ang kulay,nakasuot ng kulay blue at black na shortpants, kulay grey na underwear at wala umanong suot na pang itaas.

Nanawagan ang Cauayan City Police Station sa mga makakakita sa biktima na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.