--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan kaninang umaga sa Cagayan River sa Villa Luna, Cauayan City ang bangkay ni Barangay Kapitan Angelito Managuelod ng Rancho Bassit, Angadanan, Isabela, 75 anyos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Christopher Rumbaoa, pamangkin ng biktima, sinabi niya na batay sa kanilang mga kamag-anak sa bayan ng Angadanan ay nangisda ang kanyang tiyuhin sa ilog noong Sabado, May 16, 2020 subalit hindi na siya nakauwi.

Sinabi naman ni Ginoong Ruben Managuelod, anak ni Kapitan Herman Managuelod na nagtungo ang kanyang ama dakong alas otso ng umaga noong Sabado upang sawayin ang mga nangingisda dahil sa posibleng pagtaas ng water level sa ilog dahil sa magdamag na pag-ulan.

Gayunman, pagkalipas ng ilang oras ay hindi na nila nahintay na umuwi kaya nag-umpisa na silang mag-alala at sinimulan na ring maghanap hanggang sa may matanggap silang impormasyon na may natagpuang bangkay sa lunsod ng Cauayan.

--Ads--

Hindi na nila ipapa-awtopsiya ang katawan ng barangay kapitan dahil naniniwala silang pagkalunod ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang pahayag ni Ruben Managuelod.