--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumulog sa Bombo Radyo Cauayan upang magpatulong  ang isang Tunisian na nagpaso na ang kanyang tourist visa dahil naabutan ng lockdown matapos na bisitahin ang kanyang girlfriend na Filipina.

Dumating siya sa Pilipinas bago naranasan sa mundo ang Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mr.  Archerf  Haddad, 26 anyos, salesman sa Tunisia na dahil wala siyang pera ay minarapat niyang maglakad ng 5 kilometro  mula centro ng Cauayan City hanggang Minante II, Cauayan City na kinaroroonan ng Broadcast Center ng Bombo Radyo Cauayan.  

Sinabi niya na nagpunta siya sa Pilipinas upang dalawin ang kanyang kasintahan sa Cauayan City, Isabela.

--Ads--

Sa pamamalagi ni Haddad sa bansa ay naubos ang kanyang pera at nag-expire ang kanyang visa dahil hindi agad nakabalik sa kanilang bansa bunsod ng ipinatupad na lockdown sa Pilipinas.

Naubos umano ang kanyang pera sa pagrenta ng apartment at pagbili ng mga pagkain ngunit tinulungan naman siya ng pamilya ng kanyang  kasintahan sa pang araw-araw na pangangailangan .

Overstaying na ang kanyang status kaya nakipag-ugnayan  siya sa Bureau of Immigration (BI) ngunit pinagbabayad siya dahil sa kanyang expired na visa.

Nangangailangan  si Haddad ng mahigit 50,000 para sa pagproseso sa mga papeles sa kanyang pag-uwi sa Tunisia.

Ang pahayag ni Archerf  Haddad