
CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela ang imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col Arturo Marcelino, pinuno ng CIDG Isabela Provincial Office, sinabi niya may mga natanggap silang listahan ng mga reklamo mula sa Department of Social Weldare and Development (DSWD) subalit kailangan pa nilang patunayan.
Pupuntahan nila mismo ang mga nagrereklamo at alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa kanilang reklamo at upang masiguro ang kanilang seguridad.
Kung mapapatunayan nila ang reklamo ay kukunan nila ng affidavit ang nagreklamo pagkatapos ay kukunin nila ang listahan ng mga nakatanggap ng ayuda sa kanilang barangay at gamitin nilang ebidensya.
Ayon kay PLt Col Marcelino, karamihan sa mga dahilan ng mga natanggap nilang reklamo ay ang mga nakatanggap ng ayuda na hindi naman karapat-dapat.
Isa-isahin nilang i-validate ang lahat ng kanilang mga natanggap na reklamo.
Sinabi ni PLt Col Marcelino na sa mga gusto pang magpatulong ay kontakin lamang ang kanilang hotlline number na 09289628358.










