--Ads--

CAUAYAN CITY – Plano ng samahan ng mga motorcycle riders sa bansa na maghain ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay ng pagpapatupad sa Doble Plaka Law.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong John Allam, miyembro ng Bantay Bayan Riders Association of the Philippines at Secretary General ng United Riders Federation of the Philippines, sinabi niya na labis silang nabigla nang ilabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Doble Plaka Law ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Aniya, ang alam nila noon ay suspendido na ito subalit noong March 20, 2020 ay bigla na lamang itong inilabas.

Ayon kay Ginoong Allam, ang labis nilang tintutulan dito ay ang malaking multa na umaabot sa 50,000 hanggang 100,000 na may kasama pang pagkakakulong.

--Ads--

Hindi lamang riders ang apektado rito dahil kasama rin ang mga tricycle gayundin ang mga solo riders.

Ang pahayag ni Ginoong John Allam.