CAUAYAN CITY – Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang fall armyworm na umaatake at sumisira sa mga pananim na mais.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Narciso Edillo ng DA region 2 na ang fall arrmyworm ay umaatake sa mga varierty ng mais na open pollinated variety pangunahin na ang white corn.
Hindi inaatake ng fall army worm ang mga genetically modified na mais.
May hinala ang mga dalubhasa sa DA region 2 na maaaring naisasama sa hangin ang fall armyworm na galing sa mga kalapit na bansa sa Asya.
Una itong umatake sa Gonzaga, Cagayan hanggang sumunod ang bayan ng Piat, Cagayan at sa Lunsod ng Ilagan sa Isabela.
Mayroon na rin ito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.
Ayon kay regional Director Edllo, mablis na dumami ang fall armyworm at maramihan kapag umatake sa mga pollinated variety corn.
Maari aniyang mapuksa ang fall armyworm sa pamamagitan ng pag-spray ng insecticide at mga insektong kumakain sa itlog ng mga ito.
Sa ngayon ay kontrolado na ng DA region 2 ang naturang peste ng mga mais sa rehiyon .






