--Ads--
Tinig ni Eng’r. Elvis Bayad ng CENRO Ilagan City

CAUAYAN CITY – Mahigpit na ipinapatupad ng Community Environment and Natural resources Office (CENRO) Ilagan City ang memorandum na inilabas ng DENR kaugnay sa paghahakot ng basura sa mga quarantine facilities sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eng’r. Elvis Bayad ng CENRO Ilagan City, sinabi niya na alinsunod sa ipinalabas na memorandum ni Secretary Roy Cimatu ng DENR may kaugnayan sa paghahakot ng basura sa mga quarantine areas ay mahigpit nilang inaabisuhan ang mga naghahakot na mag-ingat upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Aniya, upang matiyak na sila ay ligtas sa anumang sakit ay pinagsusuot sila ng kumpletong PPE tulad ng facemask, face shield at gloves na mula sa pamahalaang lunsod ng Ilagan.

Bago kunin ang mga basura ay dapat ma-disinfect muna ang mga ito.

--Ads--

Tiniyak din niya na sinusunod ng mga ito ang social distancing.

Pinapayuhan nila ang mga nasa quarantine areas na huwag punuin ang mga garbage bin upang kayanin itong buhatin ng isang tao.