--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagluluksa ngayon ang mga kapamilya at mga kabarangay sa Busilelao, Echague, Isabela sa pagbaril at pagpatay kay Barangay Kapitan Rogelio Sacro habang binabagtas ang daan sa Dammang East, Echague, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng Echague Police Station na dakong 12:15 kaninang tanghali nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek  si Barangay Kapitan  Sacro, 62 anyos.

Naganap ang pananambang kay Kapitan Sacro  habang binabagtas ng minamanehong tricycle ang daan sa Dammang East, Echague, Isabela.

Nagtamo ng  mga tama  ng bala ng baril ang iba’t ibang bahagi ng katawan ni Kapitan Sacro.

--Ads--

Dinala  si Kapitan Sacro sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga kasapi ng Echague Police Station sa mga tumakas na salarin.