CAUAYAN CITY – Inamin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na malaking adjustment sa mga manlalaro nila ang pag-eensayo ngayon kumpara sa talagang training na isinasagawa noon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PATAFA Board Member Maria Jeanette Obiena na kasalukuyan ang conditioning training ng mga atleta ngayon dahil hindi pa sila pwedeng magsimula sa pormal na ensayo dahil ipinagbabawal pa ng gobyerno.
Gamit ng mga atleta ang online demonstration videos para sa kanilang pag ensayo sa kani kanilang mga tahanan.
Ayon kay Obiena, may epekto ito dahil hindi actual ang kanilang training training lalo pa’t sa video lamang nakatuon ang atleta kaya limitado ang pwede nitong gawin.
Nagpaplano naman ang pamunuan ng PATAFA para sa isang line up competition bago sumapit ang Disyembre na padaraos ng National Open.
Ito ay para maihanda ang kanilang mga atleta sa nalalapit na kompetisyon.
Pinaalalahanan naman ni PATAFA Board Member Obiena ang mga atleta lalo na ang mga nasa probinsya na ipagpatuloy lang ang kanilang training dahil mas marami na umanong magagawa ang mga ito dahil lumuwag na ang mga panuntunan sa quarantine kumpara sa National Capital Region.