--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang isang pulis matapos mabangga ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) habang tumatawid sa daan sa Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si PEMS Roger Barroga, 51 anyos, miyembro ng Villaverde Police Station at residente ng Bintawan, Villaverde, Nueva Vizcaya habang ang tsuper ng SUV ay si Meldrique Dumlao, 24 anyos, freelance architect at residente ng Solano, Nueva Vizcaya.

Napag-alaman na patungo sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya si Dumlao nang mabangga ang pulis na patawid sa daan.

Tumilapon si PEMS Barroga at nagtamo ng mga sugat sa kanyang katawan na agad itinakbo sa pinakamalapit na ospital.

--Ads--

Hinihinalang nakainom ng alak si Dumlao ang mangyari ang aksidente.

Sasampahan siya ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries.