
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 80 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos na maitala sa Alicia, iabela ang ikaapat na Covid 19 Positive.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joel Amos Alejandro na ang panibagong kaso si CV80, 36 anyos, electrician, residente ng Bagong Sikat, Alicia, Isabela at Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia.
Siya ay galing sa Maynila noong June 22, 2020 at isinailalim sa swab test nang dumating sa Isabela noong June 26, 2020.
Si CV80 ay nasa facility quarantine Ramon, isabela at inilipat sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.
Pinawi ni Mayor Alejandro ang pangamba ng mga mamamayan sa Alicia, Isabela dahil hindi umuwi sa kanilang barangay si CV80 kundi idiniretso sa quarantine facility ng provincial government nang dumating siya sa Isabela.
Matatandaang kahapon ay naitala ng Cabatuan, Isabela ang kauna-unahang COVID-19 positive patient.
Samantala, unang kinumpirma ng Department of Health-Regional Epidemiology and Surveillance Unit (DOH-RESU) na 7 sa mga aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos ang nagnegatibo na sa kanilang swab retests.
Sila ay sina CV41 mula sa Angadanan, Isabela; CV48 mula sa Santiago City; CV58, 59 at 61 na pawang mula sa Baggao,Cagayan;
CV72 mula sa Quezon,Isabela at CV73 mula sa Lasam, Cagayan.










