--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang construction worker matapos na sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa isang poste sa Barangay Cadu, City of Ilagan.

Ang biktima ay si Boyet Peralta Sr., 41 anyos,  construction worker at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa City of Ilagan Police station, dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng biktima sa pakurbadang bahagi  ng daan ay hindi niya nakontrol ang  minamanehong motorsiklo kaya sumalpok sa poste na may barbwire.

Dinala sa ospital ng mga  kasapi ng Rescue 1124 si Peralta  ngunit binawian ng buhay habang ginagamot dahil sa malubhang sugat sa kanyang ulo.

--Ads--