--Ads--

CAUAYAN CITY  – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 positive sa region 2 matapos madagdagan ng 26 na kaso batay sa talaan ng Department of Health (DOH) region 2.

Una si CV372, 18 anyos na lalaki mula San Mariano, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay sa ibang lugar.

Siya ay nasa Camp Melchor Dela Cruz Station Hospital.

Ikalawa si CV373, 64 anyos na babae  mula sa Cauayan City, OFW mula sa Qatar at nakaranas ng ubo.

--Ads--

Ikatlo si CV374, 28 anyos na babae mula sa Angadanan, Isabela at health worker na nakasalamuha si CV269.

Ikaapat si CV375, 29 anyos na lalaki mula sa Angadanan, Isabela at LSI na galing sa Quezon City.

Ikalima si CV376, 51 anyos na lalaki na mula sa San Mariano, Isabela at nakasalamuha ang isang COVID-19 positive na taga-Baguio City.

Ikaanim si CV377, 40 anyos na lalaki  mula sa City of Ilagan at LSI na galing sa Binondo, Maynila.

Ikapito si CV378, 35 anyos na lalaki mula sa  Cabatuan, Isabela at LSI na galing sa Binangonan, Rizal.

Ikawalo si CV379, 7 na buwan na sanggol na babae mula Cabatuan, Isabela at galing sa Binangonan, Rizal.

Ikasiyam si C380, 30 anyos na lalaki mula Cauayan City at nakasalamuha si CV314.

Ikasampu si CV381, 54 anyos na mula Cauayan City at nakasalamuha si CV314.

Ikalabing-isa si CV382, 55 anyos na lalaki mula sa Echague, Isabela at LSI na galing sa Maynila.

Ikalabindalawa si CV383, 35 anyos na babae mula sa Echague, Isabela at LSI na galing sa Cainta, Rizal.

Ikalabintatlo si CV384, 26 anyos na lalaki mula Cabagan, Isabela at  LSI na galing sa Pasay City.

Ikalabing-apat si CV385, 24 anyos na babae mula Cordon, Isabela at OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ikalabinlima si CV386, 23 anyos na babae na mula Cordon, Isabela at OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ikalabing-anim si CV387, 26 anyos na mula Gamu, Isabela at OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ikalabimpito si CV388, 36 anyos na lalaki mula City of Ilagan at LSI na galing sa Binian, Laguna.

Ikalabingwalo si CV389, 59 anyos na babae mula sa Cauayan City at OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ikalabingsiyam si CV390, 34 anyos na lalaki mula Jones, Isabela at OFW na galing Saudi Arabia.

Ikadalawampu si CV391, 52 anyos na babae na mula sa Tumauini, Isabela at OFW na galing sa Qatar.

Ikadalawampu’t isa si CV392, 35 anyos na lalaki mula City of ILagan, nakasalamuha si CV307 at nakaranas ng lagnat, ubo at sipon.

Ikadalawampu’t dalawa si CV393, 41 anyos na lalaki mula City of Ilagan, nakasalamuha si CV307 at nakaranas ng lagnat.

Ikadalawamput tatlo si CV394, 70 anyos na babae mula sa City of Ilagan at nakasalamuha si CV307.

Ikadalawampu’t apat si CV395, 33 anyos na lalaki mula sa Tumauini, Isabela, LSI na galing sa Quezon City at nakaranas ng lagnat.

Ikadalawampu’t lima si CV396, 34 anyos na babae mula Tumauini, Isabela at LSI na galing sa Laguna.

Ikadalawampu’t anim si CV397, 28 anyos na babae mula sa Tumauini, Isabela at LSI na galing sa Laguna.

Isinasagawa na ang contact tracing sa  mga nakasalamuha ng 26 na bagong COVID-19 positive sa region 2.