--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan Land Transportation Office (LTO) region 2 na hindi kinukunsinti at ipinauubaya sa korte ang desisyon sa kasong isinampa laban sa dalawang enforcer na inakusahan ng pangingikil sa isang tsuper.

Matatandaang nahuli ang dalawang LTO enforcer matapos umanong kikilan ang isang driver sa Tuguegarao City.

Ang dalawang suspek ay sina Chiro Apattad, 45 anyos, residente ng Camasi, Peñablanca, Cagayan at Darwin Isidro Pauig, 41 anyos at residente Alibagu, Enrile, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Manny Baricaua, aministrative officer ng LTO Region 2, sinabi niya na hindi nila kinukunsinti  ang maling gawain ng kanilang mga enforcers lalo na ngayong  may COVID-19 crisis at apektado ang lahat.

--Ads--

Igagalang nila aniya ang magiging desisyon ng  hukuman sa isinampang kaso laban sa dalawang LTO enforcer na nakakulong ngunit nakatakdang magpiyansa dahil bailable ang kanilang kaso.

Pinaalalahanan ni Ginoong Manny Baricaua ang mga kawani ng LTO na huwag umastang boss dahil sila ay maituturing na public servant at dapat gawin  nang tama ang kanilang trabaho.

Ang pahayag ni Ginoong Manny Baricaua.