--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa anim ang nasawi sa region 2 sanhi ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Mula sa Tuguegarao City, Cagayan at Naguilian, Isabela ang naitalang bagong dalawang nasawi dahil sa COVID-19.

Unang naitala ang apat na nasawi sa Nueva Vizcaya na may isa, sa Cagayan ay dalawa at isa rin sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Lexter Guzman, Health Education and Promotion Officer ng DOH region 2 na ang unang bagong nasawi ay isang 50 anyos na babae mula sa Tuguegarao City na walang kasaysayan ng paglalakbay at walang nakasalamuhang COVID-19 ngunit may iniindang sakit.

--Ads--

Nagpositibo ang pasyente noong ika-25 ang Agosto at namatay din sa nasabing araw sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ang ikalawang bagong nasawi ay isang 51 anyos na lalaki mula sa Naguilian, Isabela.

Ang pasyente ay na-admit sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City, natuklasang positibo sa COVID-19 noong ika-16 ng Agosto at may sakit sa kidney, diabetes at hypertension .

Bago na-confine sa SIMC ang pasyente ay naunang nagpakonsulta sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, umuwi sa Isabela noong ika-8 ng Agosto at nakaranas ng ubo.

Ang pahayag ni Ginoong Llexter Guzman.