--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad sa lalawigan ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa kasalukuyang Modified General Community Quarantine (MGCQ) dahil sa pagtaas ng bilang ng mga Coronavirus Disease (COVID-19) positive.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Administrator Maybel Sevillena ng Nueva Vizcaya, sinabi niya na layunin ng hakbang na ma-contain ng pamahalaang panlalawigan ang pagkalat ng virus at mas mapadali ang contact tracing.

Ayon kay Provincial Administrator Sevillena, hindi na hihintayin pa ng pamahalaang panlalawigan na ibayong dumami ang kaso at ayaw ding isakripisyo ang kalusugan ng mga empleyado lalo na ang mga frontliners kaya mahigpit na ipatutupad ang mga health protocols..

Hiniling sa IATF na isailalim ang Nueva Vizcaya sa MECQ simula sa Setyembre 1, 2020 at hinihintay pa ang desisyon.

--Ads--

Ang 35 na bagong COVID-19 positive ay naitala sa mga bayan ng Bambang, Bayombong, Solano, Quezon at Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang pahayag ni Provincial Administrator Maybel Sevillena