--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela  na tumaas ng 300% ang bentahan ng mga IT products  pangunahin na ang mga computer at laptop sanhi ng pagtaas ng demand o pangangailangan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Winston Singun ng DTI Isabela na patuloy nilang minomonitor ang supply, demand at presyo ng mga IT products.

Nagsagawa sila ng monitoring sa nasabing mga produkto dahil sa alternative learning modalities ng Department of Education (DepEd) at ang paggamit ng virtual meeting at teleconferencing ng mga kompanya.

Ayon pa kay Ginoong Singun, maging ang mga netbook, tablet, bond paper  at ink ay tumaas din ang pangangailangan.

--Ads--

Upang hindi labis na tumaas ang presyo  ng nasabing mga produkto ay sinabihan nila ang mga supplier na dagdagan pa ang kanilang mga produkto.

Batay sa kanilang monitoring ay nagkukulang ang tustos ng mga bond paper at  laptop  dahil sa mataas na demand.

Ang pahayag ni Provincial Winston Singun ng DTI Isabela.