--Ads--

CAUAYAN CITY Natunton na ng mga alagad ng batas ang mga may-ari ng tatlong hinihinalang ninakaw na motorsiklo na natagpuan sa isang apartment sa Calao East, Santiago City.

Nabawi ang tatlong motorsiklo sa naturang apartment na tinutuluyan ng mga nanloob sa isang convenience store at rice supply establishment sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol Maciste Extor Serrano, hepe ng Traffic Group ng Santiago City Police Office (SCPO), sinabi niya na agad silang nagsagawa ng beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO) at natukoy na ang may-ari ng dalawang motorsiklo ay mula sa Santiago City habang ang isa ay mula pa sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay PLtCol Serrano, nakipag-ugnayan sila sa may-ari ng isa sa mga motorsiklo at sinabi na ibinenta niya ang kaniyang motorsiklo sa isang lalaki na kabilang sa nasabing grupo ngunit bigo siyang magpakita ng deed of sale.

--Ads--

Pupuntahan nila ang isa pang may-ari ng motorsiklo sa Batangas dahil nagtataka sila kung paano napadpad sa Santiago City ang motorsiklo.

Ayon kay PLt.Col. Serrano, maaaring ginagamit ng mga suspek ang mga motorsiklo sa pagsasagawa nila ng iligal na gawain.

Ang pahayag ni PLtCol Maciste Extor Serrano.