--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang sinampahan ng Kaso ng Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr. ang QCPD Police na nagpuslit ng mga LSIs pauwi sa lalawigan ng Isabela kung saan may nagpositibo sa mga ito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. James Cipriano , ang Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, sinabi niya na ang nasabing pulis ay nakadestino sa Quezon City Police District pero ito ay residente ng Cabagan Isabela.

Ayon kay PCol. Cipriano, naifile na ang Administrative case laban sa pulis at sa mga kasama nito na sasampahan naman ng paglabag sa RA 11332.

Nakikipag ugnayan na rin aniya sila sa QCPD para sa mga nararapat gawin patungkol sa pangyayari.

--Ads--

Ayon kay PCOL. Cipriano natapos na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng napositibo at nakapag isolate na rin ang mga ito.

Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ang mga nagbabantay sa Checkpoints na dinaan ng mga ito upang malaman kung may negligence o pagkukulang sila o talagang itinago ng pulis ang kanyang mga sakay para makalusot.

Nagbabala naman ang Provincial Director sa mga pulis na gagawa ng kahalintulad na paglabag at tiniyak na sila ay papanagutin.

Nanawagan din siya sa mga mamamayan na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung may makita silang kahalintulad ng nangyari upang agad itong maagapan.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Director PCol. James Cipriano.