--Ads--

CAUAYAN CITY – COVID 19 Positive free pa rin ang Bayan ng Burgos kahit pa may pulis na nanggaling doon ang nagpositibo sa bayan ng Naguilian.

Nag isolate ang 14 personnel ng Burgos Police Station matapos na magpositibo ang isang pulis na pinangalanang si CV1604 na residente ng Burgos pero bumisita sa kanyang nobya sa bayan ng Naguilian at doon na nahawaan na kasalukuyang nakaquarantine doon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pcapt. Fernando Malillin, ang Chief of Police ng Burgos Police Station, sinabi niya na kanilang in-Isolate ang 14 na personnel sa loob ng kanilang tanggapan pero hindi sila naglockdown ng himpilan.

Aniya nanatiling bukas ang Burgos Police Station pero sa labas na lamang inaasikaso ang mga nagpupunta doon tulad ng mga kumukuha ng police clearance at travel authority.

--Ads--

Aniya sampung araw ang itinagal ng quarantine sa himpilan hanggang dumating na ang resulta ng kanilang swab test.

Negatibo naman ang naging resulta ng swab test ng mga kasapi ng Burgos Police Station kasama na ang pamilya ng nagpositibo na ikinatuwa naman ng pamunuan.

Kasalukuyan pa ring nakaquarantine si CV1604 sa quarantine facility ng Naguilian Isabela at isasailalim muli ito sa swab test bago tuluyang makakauwi.

Ang bahagi ng pahayag ni PCapt. Fernando Mallillin.