--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng City Schools Division Office (SDO) na walang kinalaman sa pamamahagi ng module ang pagpositibo sa COVID-19 ng 11 guro sa pampublikong paaralan sa Lunsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Gilbert Tong, schools division superintendent, sinabi niya na walang katotohanan ang mga kumalat na impormasyon dahil walang kinalaman ang isinagawang distribusyon ng modules sa pagpositibo ng 11 na guro.

Aniya, sa pamamagitan ng drop off point sa mga barangay bilang bahagi ng standard process sa pagbibigay ng mga modules ay walang direktang pakikisalamuha ang mga guro sa mga mag-aaral.

Sa tulong ng mga opisyal ng mga barangay ay naipapamahagi ang mga modules sa mga estudiyante.

--Ads--
Ang pahayag ni Dr. Gilbert Tong

Tiwala rin si Dr. Tong na ligtas ang mga modules na ibinigay sa mga mag-aaral sapagkat may mga sinusunod na health protocols ang SDO sa distribusyon ng mga ito.

Aniya, isinailalim sa 24 oras na quarantine ang mga learning materials bago ipinamahagi sa mga mag-aaral.

Maliban dito ay dumadaan din sa disinfection ang mga modules upang matiyak na walang virus ang mga ito bago isagawa ang distribusyon.

Unang inihayag ni Ginoong Ricky Laggui, focal person ng City of Ilagan Inter-Agency task Force (CIATF) na ang unang guro na nagpositibo ay nakasalamuha ang isang COVID-19 positive.

Ang pahayag ni Dr. Gilbert Tong.