--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 2,037 ang tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa region 2 habang 34 na ang nasawi.

Nakitaan ng bahagyang pagtaas at pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH region 2 na nakitaan ng pagbaba ng tinatamaan ng virus sa Nueva Vizcaya habang pagtaas sa Lunsod ng Ilagan, Lunsod ng Tuguegarao at Enrile, Cagayan dahil sa aggressive massive testing at contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.

Mahalaga aniyang mailagay sa mga isolation facilities ang mga natukoy na closed contacts upang hindi makahawa ng virus.

--Ads--

Sa ngayon ay walang sapat na quarantine facilities ang mga LGUs sa rehiyon dos dahil ang ilan sa kanila ay gumagamit ng mga hotel bilang mga isolation facilities

Samantala, 22 ang naidagdag na nagpositibo sa COVID-19 sa region 2 kaya umakyat na sa 2,037 ang total cases, 1,647 ang recoveries, 356 ang active cases at  34 na ang nasawi.

Sa 22 na bagong kaso ay 14 ang mula sa Isabela karamihan sa Lunsod ng Ilagan na may 9, apat sa Cagayan pangunahin na sa bayan ng Enrile at apat din sa Nueva Vizcaya.

Ang pahayag ni Regional Director Rio Magpantay.