
CAUAYAN CITY – Maglalagay ang pamahalaang panlalawigan ng Quick Response (QR) Code digital scanner sa lahat ng mga entry point ng Isabela kabilang sa 7 quarantine facility ng lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Information Officer Elizabeth Binag, sinabi niya na layunin ng hakbang na mas mabilis ang pagtukoy sa mga indibidual na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon kay Atty. Binag, hindi makakapasok sa mga border checkpoints ng Isabela ang mga motoristang walang QR code o hindi nakapagparehistro para magkaroon ng QR code.
Para sa mga may android phones maaari silang magregister online habang ang mga wala namang android phones ay maaaring magpa-print ng kanilang QR code sa mismong checkpoint.










